07 September 2006
buhay single... literally
wala sa hinagap ko na mapapadpad ako sa ibang lugar, dahil kahit nung bata ako kapag tinatanong ng aming guro kung ano gusto ko maging pag laki ko..sabi ko gusto ko maging isang nurse kse nais kong pagsilbihan ang aking mga kababayan.. ngunit subalit datapwat di ako lumaki... tumanda lang ako.. hahahaa! at eto andito ako sa bayan at lungsod ng mga multa (city of fines).
Dati tinutukso kong jologs ang mga kamaganak ko na umuuwi ng pilipinas.. kse ang hanap nila eh jolibee, opm songs, videoke at mga tagalog movies na maaari nila iuwi sa ibang lupalop ng mundo. Me mga kamaganak pa ako na talaga naman nanuod pa ng live show ng eat bulaga at SOP.. kinaya nila pumila sa studio ng GMA seven para lang makita si fafah vic.. at ang mgasex bomb kesehodang pumila sila ng pagkahaba haba!
Ngayon.. naiintindihan ko n sila.. kapag pala napalayo ka sa inang bansa talaga palang mamimiss mo ang dalawang pirasong chicken joy at kanin at maraming gravy, ang sinigang, ang bagoong na sinasawsawan ng hilaw na mangga, patis (walang kapantay ang lasa), tinapa o tuyo at sinangang na me kasama pang kamatis sa agahan, daing, sardinas n pinalaman sa pandesal, sizzling sisig, ang tapsilog, tocilog, mixsilog sa me tapsilogan n malapit sa amin na kinakainan namin twing hating gabi at nag tritrip kmeng magkakapatid n manginain, ang san miquel beer o kaya ang san mig lights sama mo n gin pomelo (pag wala ka pera pambili ng beer), ang fish balls, squid balls, tukneneng sa me ayala... na pag me pulis eh nasasaw k p sa sawsawan eh nakaripas na ang mga tindero sa pagtakbo, balot sa hating gabi, isaw, helmet, betamax, adidas, tenga ng baboy na pwede mo i ulam pag naubusan k ng pagkain sa gabi, kape na laging timplada na ng nanay ko sa tuwing gigising ako ng umaga para pumasok sa opisina. Wala pa rin palang tatalo sa luto ni inay at sa timpla nyang kape, hahanap hanapin mo pala talaga yun pag malayo ka na.
Minsan naisip ko napaka jologs ko na isipin mo, ang tugtug ko lagi sa aking laptop eh kanta ni rey valera, ni sharon cuneta ( lalo na ang high school life), kanta ng vst, kanta ng hagibis kinareer ko n rin, at nagiisip isip ako na i download ang kanta ng april boys! di ba sobrang kabaduyan n yun! (pero sana wag ako dumating sa puntong yun) hahahahaha!
hindi ko masasabing ang pagpunta ko sa ibang bansa ay for the love of money pero ang tawag ko dito eh for the love to my family and countrymen ( english yan nahirapan ako), kahit sa ganitong paraan marahil ay nakakatulong n rin ako sa pag unlad ng bansa..madami din namang cost ang ginive up ko para dito... mahirap ata pantayan ng salapi ang mawalay ka sa piling ng iyong mga mahal sa buhay, mga kaibigan, mga ka opisina at mga ka opisina sa inuman, gimik, lakwatsa at shopping. Ngunit ano magagawa ko eto n ang pinili ko, choice ko ito!
.. next time iba naman topic... enjoy reading my blogs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment