23 May 2007

in this time

in this time of night..

you feel empty..
you feel sad
you feel lonely and mad

saying your ok but your not.

amidst all

amidst the laughter.. tears.
amidst the joy........sadness
amidst the happines.. emptiness
amidst the light..... loneliness


amidst all.. does not make sense

02 May 2007

sa pagbabalik!

Hinde pera, Hinde layaw, Hinde luho, Hinde ipon, Hinde negosyo kaya ako babalik ng Pilipinas......kung di mga tao, mga taong masarap kausap, kainuman at kakantahan. Kailan mo huling nagawang magsaya sa kanto, mag pahara-hara ng lasing sa kalsada? Magsimba na naiintindihan at ma-isasapuso mo ang sermon? o makinig sa pinaguusapan ng katabi mo MRT? kelan mo huling nagawa yun?

Parang ang sarap no?

Sa ibang bansa, kala mo masaya ka? kala mo malaya ka? kala mo lang yun! takot ka kaya! Gumawa ka nga lang ng isang bagay na kahit alam mong tama pero may pumansin sayo kakabahan ka na eh, yun ba ang masaya, yun ba ang malaya. Sa Pinas kahit mali ka na, ikaw pa ang galit diba ang saya, oo na mali nga yun, pero, yun ang malaya.

Bakit pag nasa park ng ibang bansa, parang kulang ang saya kahit napakaganda ng parks nila, kahit maraming pinoy kang kasama parang kulang pa din, pero sa pinas ilan lang kayong barkada, pag uwi nyo ng bahay ang daming kwentuhan ang daming kasayahan, bakit kaya? Gaya nga ng sabi ko nung una uuwi ako dahil sa Pinas dahils sa tao. Yun lang yun.

Hay ayoko na, baka umuwi na lang ako at magtanim na kamote, mag export dito sa Singapore ng kamote, wala naman silang taniman ng kamote dito eh. Ako ang magiging biggest importer ng sweet potatoes dito nyahahaha.